Gabay sa Blog

Para sa mga ating mambabasa, atin pong basahin ang ilang gabay sa paggamit ng Blog na ito.

 

Wika

Ang blog na ito ay gumagamit ng wikang Tagalog at wikang Hapon (Nihongo), at gumagamit ng ilang salita ng wikang Ingles (English). Ang pangunahing layunin ng paggamit ng mga wikang Tagalog sa blog na ito ay upang maintindihan ng nakararami sa ating mga mambabasa ang ilan sa mga bahagi ng wikang Hapon na maaaring hindi maipaliwanag ng husto ng wikang Ingles. Bagaman marami sa atin na nakakaalam na o nag-aaral ng wikang Hapon gamit ang wikang Ingles, naniniwala ako na karamihan sa mga bahagi sa wikang Hapon ay mas maiintindihan ng ating mga mambabasa kung ating tatalakayin iyon gamit ang wikang Tagalog.

 

Titik at Format ng Blog

Ang mga pangungusap sa salitang Tagalog at Ingles at nakasulat sa normal na tipo, samantalang ang mga nasa salitang Hapon ay nakasulat sa kana (仮名) at kanji (漢字) at ang romanized version nito ay nakasulat sa tipong italics.

Ilan sa mga salita o pangungusap at nakasulat sa bold na titik, na nangangahulugan na pagbibigay ng atensyon sa ating mga mambabasa.

 

Pagkukumento

Para sa ikagaganda ng talakayan gamit ang blog na ito, ating itinataguyod sa pagkukumento ang:

  1. paggamit ng wikang Tagalog bilang pangunahing wika sa mga comment
  2. pagbabahagi ng inyong kaalaman sa wikang Hapon at pagmumungkahi at pagpuna sa kabuuan ng blog, sa kabuuan o sa punto ng post, sa positibong paraan
  3. pag-iwas sa paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya sa paningin at pakiramdam ng ating mga mambabasa

 

Mga Update

Sa paglipas ng panahon ay maaari pang madagdagan ang mga gabay sa paggamit ng blog na ito. Nawa’y maunawaan ng ating mga mambabasa ang puntong ito.

 

Ating itaguyod ang malaya ngunit mapayapang pakikibahagi sa blog na ito.

1件のコメント

  1. ang ganda maraming salamat po malaking 2long sa akin i2 marami akong natutunana thanks po sa inyo

コメントを残す

以下に詳細を記入するか、アイコンをクリックしてログインしてください。

WordPress.com ロゴ

WordPress.com アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Twitter 画像

Twitter アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Facebook の写真

Facebook アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Google+ フォト

Google+ アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

%s と連携中