Mabuhay! Youkoso!

Mabuhay sa inyo, mga readers! At maraming salamat sa inyong pagbisita sa Nihongo, sa Tagalog! blog.

読者の皆様に、ようこそNihongo, sa Tagalog!へお訪ねくださいました!このブログをご覧いただきありがとうございます。

 

Una sa lahat, bilang isang tulong sa kapwa ko mga Pilipino (lalo na sa mga may interes na matuto ng Nihongo o salitang Hapon), ako po ay gumawa ng isang eklusibong blog para sa ilang patnubay sa paggamit ng ilang mga pattern, pangungusap at mga salita sa Nihongo, at kung paano ito gamitin ng epektibo batay sa ating wikang Tagalog.

 

Ang nagsilbing layunin para gawin ang blog na ito ay: dahil ang pundasyon ng pag-aaral ng Nihongo ay gamit ang wikang Ingles. Nakasisiguro akong karamihan, o lahat sa inyong mga reader na mga nagsipag-aral o nagsisipag-aral ng Nihongo ay gamit ang wikang Ingles para malaman ang ibig sabihin ng bawat salita sa Nihongo. At bagaman naging epektibo sa atin ang wikang Ingles sa pag-unawa ng wikang Hapon, marami ring mga salita o pangungusap na sa aking palagay ay mas maiintindihan natin kapag susubukan nating alamin ang ibig sabihin sa wikang Tagalog.

Batay na rin sa aking karanasan, aking mas madaling naintindihan ang karamihan sa mga salita kapag nalaman kong mabuti ang ibig sabihin niyaon sa wikang Tagalog.

At dahil dito, napag-isip ko na ibahagi ang kaalamang ito sa inyo mga kapwa Pilipino.

 

Inyo po sanang maunawaan na, sapagkat ako ay hindi professional na guro sa Nihongo, ang mga nilalaman ng blog na ito ay pawang galing sa aking pag-unawa at kaalaman, at hindi kinasihan ng mga tunay na mga professional na Pilipinong guro sa Nihongo. At dahil dito, ako ay nagagalak na tumanggap mula sa inyo ng mga comment para sa mas epektibong patnubay para sa ating mga reader.

予めご了承しておいていただきたいのは、記者は日本語の教師などではないので、このブログの内容はフィリピン人の日本語教師やプロの方々に指導を求めず、自分の知識や理解によって記載されます。ですので、読者の皆様のために、より効果的な内容に及ぶためにコメントなどをお書きいただくのは歓迎しております。

 

Nawa’y isa po itong maging inspirasyon sa inyong lahat.

 

Maraming salamat po.

 

これからも、ご指導のほどどうぞよろしくお願いいたします。

2件のコメント

  1. salamat sa blog na ito at nagkaroon po ako ng ilang mga ideya para po maunawaan ang ilang araling hindi ko po maunawaan nang lubusan…. sana po ay makapagpost pa po kayo ng bago para pa matulungan nyo po ang tulad kong nagaaral mag-isa (self study)…

    magandang araw po.

コメントを残す

以下に詳細を記入するか、アイコンをクリックしてログインしてください。

WordPress.com ロゴ

WordPress.com アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Twitter 画像

Twitter アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Facebook の写真

Facebook アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

Google+ フォト

Google+ アカウントを使ってコメントしています。 ログアウト / 変更 )

%s と連携中